13 PULIS PATAY, 36 KABARO MALUBHA

 

gen batoNi: Denz Laguipo

 

LABINGTATLONG pulis ang namatay, samantalang 36 sa  kasamahan nila ay malubhang nasugatan nang makipagbarilan sa iba’t ibang drug dealer at drug pusher simula noong Hulyo 1 hanggang Septyembre 30, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP).

Ang pangyayaring ito, ayon sa PNP, ay patunay na totoo talaga na mayroong mga drug dealer at drug pusher na “nanlaban” sa mga pulis na nagsasagawa ng operasyon laban sa mga sangkot sa bentahan ng iligal na droga, partikular ang shabu na siyang popular na gamitin ng mga mahihirap.

Sa hanay din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay may tatlong sundalo ang namatay at walo ang sugatan nang makipagsagupaan sa mga drug dealer sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa kabilang banda, umabot naman sa 1,323 ang napatay ng mga pulis na mga drug dealer at drug pusher mula rin noong Hulyo 1 hanggang 6:00 P.M. ng Setyembre 30, ayon sa PNP – National Operation Center.

Wala sa isinapublikong rekord ng PNP, ngunit natatandaan ng Tapatnews.com, mayroong apat na pulis ang namatay na sangkot sa bentahan ng droga—tatlo rito ay sa Quezon City at isa ay sa Malabon City nitong Martes.

Sa parehong rekord, umabot sa 21,682 katao ang mga naaresto.

Sa parehong rekord, umabot sa 729,915 “drug personalities” ang nagsisuko sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa bilang na ito, 52,675 katao ang drug pushers at 677,240 naman ang adik.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 3 milyon ang adik.

Lumilitaw na matagal pa ang operasyon ng PNP, sapagkat batay sa ulat ng PNP Operation Center ay 1,478,621 pa lamang ang bahay na napupuntahan ng PNP kaugnay sa paglulunsad ng operasyong “Oplan Tokhang” at 23,179 operasyon ng pulisya laban sa mga drug dealer at  drug pusher.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like