13 patay sa helicopter crash

PERU—Isang helicopter na lulan ang mga tauhan ng isang kumpanya ng langis sa France ang bumagsak sa malayong parte ng hilagang Peru, kung saan labing-tatlo ang patay, kabilang ang isang empleyado ng Perenco at mga representante ng tatlong kontratista.

Kinumpirma naman ng Perenco ang naturang aksidente kung saan walang nakaligtas.

Mayroong siyam na pasahero at apat na tripulante sa naturang helicopter noong umalis ito sa lungsod ng Iquitos para bisitahin ang block 67 ng kumpanya.

Sa taong ito, ang naturang crash ang pangalawang aksidente para sa mga kumpanyang pang-enerhiya na nag-ooperate sa gubat ng Peru na mayaman sa langis.

You May Also Like