13 Diocese, Todo-suporta sa Bagong Kalihim ng DAR

BIHIRANG mangyari na ang isang beteranong aktibista at maka-kaliwang lider-magsasaka ay solidong suportahan ng mga taong simbahan.
 
Nabatid ng Tapat News online na si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano ay solidong sinusportahan ng 13 diocese dahil kumbinsido silang tunay na maka-magsasaka at maka-pesante ang mga programang isusulong at ipatutupad ng bagong kalihim.
 
Si Mariano ay itinalagaa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DAR bilang pagpapakita na ang bagong Pangulo ng bansa ay seryosong makamit ang pangmatalagang kapayaan sa bansa.
 
Bago maitalaga sa DAR, si Mariano ay matagal aktibista at pangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).
 
Minsan na ring naging miyembro ng Kamara del Representantes si Mariano.
 
Inihayag ng 13 diocese ang kanilang suporta kay Mariano makaraang iprisinta nito sa mga taong simbahan ang kanyang plataporma nitong Hunyo 28.
 
Ayon pa kay Fr. Edwin Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action (NASSA), ang advocacy at social development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na ang NASSA at CBCP ay parehong masaya sa mga iprinisentang plataporma ni Sec. Mariano para sa interes at kagalingan ng mga magsasaka at pesante.
 
 
Idiniin ni Gariguez na “Sa paparating na administrasyon, talagang mataas ang tingin namin, sapagkat itong administrasyon na ito ay mayroong strong policy shift sa larangan ng agrikultura kumpara sa nakaraang administrasyon.”
 
Tinukoy ng pari na matindi ang mga naging kapalpakan ng dating Secretary Virgilio de los Reyes, kaya kahit ang mga arsobispo ay hindi nagdalawang isip na manawagan noon na magbitiw siya sa puwesto.
“Itong nakaraang administrasyon [ay] alam natin na si DAR Sec. de los Reyes ay hindi talaga sinuportahan ang mga magsasaka at ang mga reporma niya ay hindi para sa magsasaka, kundi para sa sariling iteres lang ng iilan,” diin pa ng pari.
 
Ani Gariguez, “Sa bagong administrasyon, lahat ng mga magiging desisyon ng DAR ay papabor sa mga magsasaka.”
 
Tiniyak ni Mariano sa NASSA at CBCP na magkakaroon ng tunay na pagbabago sa paninilbihan at operasyon ng DAR sa ilalim ng kanyang pamumuno. (Glenn Figuracion)

 

Propellerads

You May Also Like