109 Sangay ng SSS Bukas sa Sabado para sa LRP

 

Ni: Marites Badilla

 

sssINANUNSIYO ng Social Security System (SSS) na bubuksan nito ang 109 sangay tuwing Sabado upang tumanggap ng aplikasyon ng Loan Restructuring Program (LRP) ng mga kasapi ng naturang kasapi ng ahensiya.

Ito ay magaganap tuwing Sabado sa buong Setyembre mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Ito ay magsisimula sa Setyembre 3.

Ang magandang balitang ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-59-taong Anibersaryo ng SSS.

Ang tema ng selebrasyon ay “SSS at 59: Kaagapay at Kabalikat sa Pagbabago.”

Ipinaliwanag ni SSS Assistant Vice President ng Member Loans Department Boobie Angela A. Ocay na “Marami sa ating mga miyembro ay hindi nakakapunta sa SSS, dahil sa kanilang trabaho kaya’t sa selebrasyon ng aming anibersaryo ngayong buwan ay magbubukas ang 109 piling sangay ng SSS sa buong Pilipinas sa lahat ng Sabado ng Setyembre para tumanggap ng LRP application.”

Ani Ocay, bukas ang LRP para sa mga miyembrong may utang na hindi nabayaran ng higit sa anim na buwan mula nang ilunsad ang nasabing proyekto noong Abril 28, 2016.

“Maaaring mag-apply ang mga miyembrong nakatira, o nagtatrabaho sa lugar na sinalanta ng kalamidad na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), o ng gobyerno,” patuloy ni Ocay.

Sa ilalim ng LRP, tatanggalin ang multa kapag nabayaran ang prinsipal at interes ng utang, dagdag ng opisyal.

Batay sa laki ng bilang ng inaasahang mag-aayos ng kanilang aplikasyon, 54 maliit, 36 katamtamang laki, at 19 na malaking sangay ng SSS ang lalahok sa proyekto upang mapabilis lamang ang aplikasyon ng LRP.

Sa Metro Manila ay mayroong 43 sangay ang bukas: Cubao, Deparo, Diliman, Fairview, Kalookan, Malabon, Navotas, Novaliches, Paso de Blas, San Francisco del Monte, Valenzuela, Antipolo, Cainta, Mandaluyong, Mandaluyong-Shaw, Marikina, Marikina-Malanday, Pasig Pioneer, Pasig Rosario, Pasig-Rotunda, San Juan, San Mateo, Tanay, Binondo, Legarda, Manila, Pasay-Roxas Boulevard, Pasay-Taft, Recto, Sta. Mesa, Tondo, Welcome, Alabang, Alabang-Zapote, Las Piñas, Makati-Ayala, Makati-Gil Puyat, Makati-Guadalupe, Makati-J.P. Rizal, Parañaque, Parañaque-Tambo, Taguig at Taguig-Gate 3.

Sa Luzon ay ang mga sumusunod: La Union, Cauayan-Isabela, Tuguegarao, Balanga, Dagupan, Tarlac, Angeles, Baliuag, Malolos, Meycauayan, Olongapo, Pampanga, San Jose del Monte, Sta. Maria, Bacoor, Biñan, Calamba, Dasmariñas, Lucena, Rosario (EPZA), San Pablo, Batangas, Boac, Calapan, Lemery, Lipa, Odiongan, Puerto Princesa, San Jose Occidental Mindoro, Iriga, at Legaspi.

Sa rehiyon ng Central at Western Visayas, bukas  ang SSS Cebu, Lapu-Lapu, Mandaue, Tagbilaran, Talisay, Ormoc, Tacloban, Bacolod, Dumaguete, Kabankalan, Victorias, Kalibo, Iloilo-Central, at Roxas.

Ang bukas na mga sangay sa Mindanao ay iyong sa Butuan, Cagayan de Oro, CDO-Lapasan, Gingoog, Iligan, Ozamis, Valencia, Bislig, Davao, Davao-Ilustre, Digos, Panabo, Tagum, Toril, General Santos City, Kidapawan, Koronadal, Dipolog, Ipil, Pagadian at Zamboanga.

Inilinaw ni Ocay na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ay maaari rin silang mag-aaply ng LRP sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa mga bansa kung saan sila nagtatrabaho.

“Magtatalaga ng special lane ang mga foreign offices upang tanggapin at i-proseso ang mga aplikasyon at para sagutin na rin ang kanilang mga katanungan na may kinalaman sa posting ng LRP repayments,” dagdag ni Ocay.

Mayroong 21 sangay ang SSS sa ibang bansa na pawang makikita sa Brunei Darrusalam, Hongkong, Kaoshiung, Macau, Malaysia, Singapore, Taipei, Taiwan, London, UK, Milan at Rome sa Italy, Abu Dhabi at Dubai sa UAE, Al Khobar, Jeddah, at Riyadh sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA), Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, San Francisco, California, at Toronto, Canada.

Ipinaalala ni Ocay sa mga kasapi ng SSS na “Dalhin lamang nila ang mga kinakailangang dokumento gaya ng identification cards, nasagutang application form at affidavit of residency upang mapadali ang pagpoproseso ng kanilang aplikasyon. Ang mga nasabing dokumento ay maaaring i-download sa aming website.”

Inilinaw din ng opisyal sa mga kasaping sumailalim sa LRP na maging masigasig sa pagbabayad ng utang sa SSS.

“Ang LRP ay may tinatawag na conditional waiver pagdating sa multa. Ibig sabihin, mawawala ang bisa ng kasunduang ito kapag hindi kumpleto ang bayad sa utang. Kapag hindi nakapagbayad ang miyembrong inaprubahan ang aplikasyon sa LRP, [pero] hindi ibabawas ang multa sa kanyang utang,” diin pa ni Ocay.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like