106 Tulak, Adik Buhay sa Police Operation sa QC

Nina: Jan Sinocruz at Paula Antolin

HULI KAYO: Sila ay bahagi ng mga tulak at adik sa ipinagbabawal na gamot na nadakip sa ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) sa Veterans Village sa Quezon City. Hindi sila namatay, sapagkat hindi sila lumaban sa mga pulis. (Rafael Taboy)
HULI KAYO: Sila ay bahagi ng mga tulak at adik sa ipinagbabawal na gamot na nadakip ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) sa Veterans Village sa Quezon City. Hindi sila namatay, sapagkat hindi sila lumaban sa mga pulis. (Rafael Taboy)

MALUWAG na nakahinga ang 106 katao nang walang namatay sa kanila sa isinagawang operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa mga tulak ng shabu at adik sa iligal na droga sa Quezon City.

Ang mga suspek ay dinakip sa Bgry. Culiat, pamayanan ng mga Muslim sa lungsod, at sa Veterans Village mula Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes ng hapon.

Ayon kay Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, umaaktong hepe ng QCPD, 72 ang nadakip sa Brgy. Culiat at 34 naman sa Veterans Village.

Sa 106, dalawa ang higit 50-taong-gulang.

Mayroon ding ilang menor de edad, banggit ni Eleazar.

Aniya, lumabas sa pagsisiyasat ng kanyang mga imbestigador sa mga nahuli sa Brgy. Culiat, karamihan sa mga nadakip ay dayo sa lugar na ito.

Mula sila sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal at Pampanga sila na pumupunta lamang sa Brgy. Culiat at dito gumagamit ng iligal na droga ang suspek, patuloy ng opisyal.

Ang Brgy. Culiat ay bantog sa shabu.

Ngunit, bihirang salakayin ng mga pulis ang nasabing lugar, sapagkat ang persepsiyon ng publiko ay sisiklab ang matinding barilan sa pagitan ng mga pulis at ‘sindikato’ sa loob ng Muslim community.

Sa eklusibong panayam, iginiit ni Eleazar na kung walang papalag mula sa mga sangkot sa droga tuwing nagsasagawa ng operasyon ay pihadong walang dahilan upang mapatay sila.

Ang mga nahuli ay kakasuhan sa piskalya ng paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Tiniyak ni Eleazar na malakas ang kanilang ebidensiya laban sa 106 katao.

Sinabi rin niya na patuloy na kikilos ang QCPD upang malinis ang lungsod mula sa mga tulak at adik ng bawal na gamot.

Simula Hulyo 1, isa ang Quezon City sa walang humpay ang operasyon ng QCPD laban sa mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

 

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like