10,000 Manggagawa, Naregular—DOLE

 

PAGPAPATIGIL SA KONTRAKTUWALISASYON: Kumbinsido ang mga organisasyon ng mga manggagawa sa pamahalaan at pribadong kumpanya na ang pagpapatigil sa kontraktuwalisasyon ay hindi lamang laban ng mga manggagawa, kundi laban ng mamamayang Pilipino.
TULOY ANG PAKIKIBAKA LABAN SA KONTRAKTUWALISASYON: Lubos na naniniwala ang mga unyonista na kinakailangang tuluy-tuloy ang pakikibaka ng mga manggagawa laban sa kontraktuwalisasyon upang maging regular sila sa kanilang pinapasukang mga kumpanya.

Ni: Marites Badilla

 

UMABOT sa 10,000 manggagawa ang naregular sa loob ng 100 araw ng administrasyong Duterte, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay DOLE Secretary Sylvestre Bello III na ang 10,000 ay mula sa 195 kumpanya kabilang na ang SM Group of Companies.

Ani Bello, ang nairegular ng SM ay 4,796 manggagawa sa loob ng 100 araw.

Ang 7-Seven Inc., o Philippine Seven Corporation, ay nagregular naman ng 800 empleyado nito.

Inilinaw ng kalihim na ang 10,000 naregular na mga manggagawa ay 20% ng 50 porsyentong target ng DOLE na maging regular ngayong 2016.

Ang pagwawakas ng kontraktuwalisasyon, o end of contract (endo), na sistema ng pagrekrut ng mga manggagawa at empleyado ay pangunahing adyenda ng DOLE, sapagkat iyan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa manggagawa noong panahon ng kampanya.

Hindi kasama sa naregular ang mga empleyado ng mga kumpanya nina Lucio Tan, John Gokongwei, at Lucio Co.

Halimbawa, nabatid ng TapatNews.com na ang Pure Gold na pag-aari ni Co ay hindi pa nagreregular, sapagkat mayorya sa mga nagtatrabaho sa Pure Gold ay empleyado ng mga recruitment agency.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like