10,000 magsasaka, maylupa na

LAHAT SANA: Sana dumating ang panahon na ang lahat ng mga magsasaka ay magkaroon ng sariling lupang saakahin. (Rafael Taboy)
LAHAT SANA: Sana dumating ang panahon na ang lahat ng mga magsasaka ay magkaroon ng sariling lupang saakahin. (Rafael Taboy)

Ni: Edward Mico Joseph D. Agustin

UMABOT sa 10,270 magsasaka ang nagkaroon ng sariling lupang sasakahin sa Cantanduanes makaraang mamahagi ng titulo ng mga lupa ang Department of Agrarian (DAR) kamakailan.

Pinangunahan nina Regional Director (RD) Luis B. Bueno Jr., Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Alexander T. Teves, at Assistant Regional Director for Operations Samuel Solomero ang pamimigay ng mga sertipiko ng titulo sa higit 10,000 magsasaka.

Ayon kay Teves, ang pamamahagi ng lupa ay bahagi ng Land Acquisition and Distribution (LAD) ng DAR

Inilinaw pa ni Teves na umabot na sa 95 porsiyento ang mga magsasakang nabigyan ng lupang sasakahin nila alinsunod sa programang “Private Agricultural Land Mode of Acquisition.”

Ang pagkakaroon ng lupa ng mga magsasaka ay resulta ng pagpapatupad ng iba’t ibang gawain sa lupa gaya ng operasyong paglilipat ng lupa,  pampinansiyang institusyon ng pamahalaan na magbibigay ng pampinansiyang suporta sa mga magsasaka, boluntaryong pagnanais ng mga asindero na ibenta ang kanilang lupa sa mga magsasaka, sapilitang pamamahagi ng lupa, at boluntaryong paglilipat ng lupa.

 

 

You May Also Like