1,000 Sekyu, Ipinambala ng PPI sa 300 Manggagawang Trabaho ang Pakay

 

LABAN NG MGA EMPLEYADO NG PIZZA HUT: Sama-samang nanawagan sa pamunuan ang mga manggagawa ng Philippine Pizza Inc. (PPI) na ibalik na na sila sa Pizza Hut. (Rafael Taboy)
LABAN NG MGA EMPLEYADO NG PIZZA HUT: Sama-samang nanawagan sa pamunuan sa pangunguna ni Jorge Araneta ang mga manggagawa ng Philippine Pizza Inc. (PPI) na ibalik  na sila sa Pizza Hut. (Rafael Taboy)

Nina: Boy Celario at Denz Laguipo

 

HANGAD ng 300 manggagawa ay maibalik sila sa trabaho, ngunit higit 100 sekyu ang humarang sa kanila upang hindi makausap ang mga namamahala ng Philippine Pizza Inc. (PPI).

Panawagan ng PPI Workers Union-Katipunan ng mga Samahan ng Mangggawa (PPIWU–KASAMA) kay Jorge Araneta, may-ari ng PPI, na ibalik ang mahigit 300 empleyado ng Pizza Hut.

Tinanggal ang mahigit 300 mula sa iba’t ibang sangay ng Pizza Hut sa National Capital Region, Laguna, at Pampanga nitong Agosto.

Ayon sa abogado ng mga tinanggal na mga manggagawa na si Atty. Ernesto Arellano ng Legal Advocates for Workers Interest (LAWIN), dapat nga ay ginawang regular ang mga empleyado, sapagkat matagal na silang nagtatrabaho sa Pizza Hut.

Sa rekord ng PPIWU–KASAMA, noong 2013 ay naghain ang mga manggagawa ng kahilingan sa National Labor Relations Commission (NLRC) na gawin silang regular.

Pinaburan naman ng NLRC ang kahilingan.

Hindi tinanggap at hindi kinilala ng management ng PPI ang desisyon ng NLRC, dahilan upang iakyat ng mga manggagawa ang kaso sa Korte Suprema.

Sinang-ayunan ng Korte Suprema ang desisyon ng NLRC.

Ngunit, hanggang ngayon ay hindi ipinatupad ng PPI.

Hindi na nga ipinatupad ang desisyon ng NLRC at Korte Suprema, sinibak pa ng management ng PPI ang higit 300 empleyado nitong Agosto 30.

SEKYU VS. MANGGAGAWA: Naobligang saktan ng mga security guard ang kapwa nila sahuran dahil ginamit na 'pambala' ng mga namamahala ng Philippine Pizza Inc. (PPI) ang mga sekyu laban sa mga tinanggal nilang mahigit 300 empleyado nitong Agosto 30. Balik trabaho sa Pizza Hut ang hangad ng mga manggagawa, hindi pakikipag-away sa kapwa naghahanap-buhaay. (Rafael Taboy)
SEKYU VS. MANGGAGAWA: Naobligang saktan ng mga security guard ang kapwa nila sahuran dahil ginamit umano na ‘pambala’ ng mga namamahala ng Philippine Pizza Inc. (PPI) ang mga sekyu laban sa mga tinanggal nilang mahigit 300 empleyado nitong Agosto 30. Balik trabaho sa Pizza Hut ang hangad ng mga manggagawa, hindi pakikipag-away sa kapwa naghahanap-buhay. (Rafael Taboy)

Dahil dito, nagbabalak ang National Confederation of Labor (NCL) na sampahan ng kaukulang kaso si Jorge Araneta at iba pang opisyal ng PPI dahil sa paglabag sa desisyon ng Korte Suprema, NLRC, at batas-paggawa.

Ang NCL ay alyansa ng iba’t ibang organisasyon ng mga unyon sa Pilipinas, kabilang na ang PPIWU–KASAMA.

Idiniin ni Arellano sa press conference na tahasang paglabag sa batas-paggawa,  desisyon ng Korte Suprema, ay NLRC ang pagtanggal sa mahigit 300 empleyado ng Pizza Hut.

“Mapagtitiisan pa nating manggagawa ang hindi kilanlin ang ating unyon, pero ang sipain pa tayo sa trabaho sa hindi makatarungang batayan ay tahasan nang pagyurak sa ating karapatan bilang tao at paglapastangan sa ating dignidad bilang uring manggagawa,” diin ng PPIWU–KASAMA-NCL sa kanilang press statement.

“Tayong manggagawa ang lumilikha at nag-aakyat ng yaman (kasama ang iba pang sahurang-alipin) sa pamilya Araneta, pero basura lang kung tayo’y tratuhin,” patuloy ng  PPIWU–KASAMA-NCL.

Inginuso pa ng grupo na “Ang pamilyang Araneta ay bahagi ng iilang naghaharing uri sa bansa. Sila ang tinaguriang non-industrial na burgesya na nagkakamal ng yaman sa pamamagitan ng pagni-negosyo sa serbisyo. Kinakatawan nila ang Service Oriented Economy na siyang dahilan ng pagiging atrasado’t urong na kapitalistang ekonomiya ng Pilipinas. Sila rin ang konserbatibo at ipokretong sektor ng burgesya na tahasan ang pagiging kontra-unyon, o ang hindi pagkilala sa karapatan ng mamamayan, lalu na sa uring manggagawa.”

Anila, kitang-kita na ayaw harapin ng mga Araneta ang mga manggagawa dahil lumilitaw na wala silang mukhang maiharap sa pagkakasalang nagawa nila laban sa kanilang mga empleyado.

Kaya, ang iniharap nila sa mga manggagawa ay higit 100 sekyu na ‘ipinambala’ ng pamilya Araneta laban sa kapwa nila pinasasahod.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like