1,000 Manggagawa sa Kumpanyang Pag-aari ng Koreano, Umaasang Papabor sa Kanila ang DOLE

 

 

Sec. SYLVESTRE BELLO III
Sec. SYLVESTRE BELLO III

Ni: Roy Bersales

 

MAGKAKASUBUKAN kung aaksyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pabor sa 1,000 manggagawa na makabalik sa trabaho.

Alas 2:00 ng hapon ngayong Lunes ay inaasahang maghaharap ang mga manggagawa sa pangunguna ng kanilang unyon at ang mga namamahala ng Faremo International Inc. upang resolbahan ang mga isyung pinaglalabanan ng dalawang kampo.

Ang Faremo na itinuturing na pinakamalaking kumpanya ng tela sa EPZA Cavite ay pag-aari ng mga negosyanteng Koreano na binigyan ng karapatan ng pamahalaan na magnegosyo sa mga lugar na itinakda ng pamahalaan bilang special economic zone.

Ito ang nagsusuplay ng tela sa mga kilalang kumpanyang Gap, JCPenney, at Kohl’s.

Ayon sa unyon, ang Faremo ay nagpasyang magsara nitong nakalipas na buwan.

Ang nakarating na dahilan ng Faremo sa mga manggagawa ay hindi kayang ipatupad ng kumanya ang mga kahilingan ng mga manggagawa.

Ngunit, iba ang tingin ng unyon, dahil naniniwala itong taktika ng Faremo ang pagsasara upang huwag matuloy ang binuong unyon ng mga manggagawa at huwag makamit ng mga manggagawa ang kanilang mga kahilingan sa kumpanya.

Ang mga kahilingan ng mga manggagawa ay kilalanin ng Faremo ang unyon, itaas ang kanilang sahod alinsunod sa Minimum Wage Law, itigil ang pananamantala sa pamamagitan ng paggamit ng mga masasamang salita, at pagbigay sa mga benepisyong itinakda ng batas-paggawa.

Ang mga nabanggit ay nakasaad sa Collective Bargaining Agreement (CBA) na pinagkasunduan nitong Mayo.

Ngunit, sa kalaunan ay ayaw kilalanin ng Faremo.

Sa paghaharap ng mga unyonista at kapitalista, umaasa ang mga manggagawa ng Faremo na pabor sa kanila ang desisyon ng DOLE, sa halip na sa mga kapitalista.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like