1,000 graduates, may scholarship bilang ‘future teachers’

1000MAY 1,000 na pinakamahuhusay na estudyante na hihikayating sumama sa hanay ng mga guro sa pamamagitan ng scholarships.

Ang mga magtatapos mula sa high school na bahagi ng pinakamataas na 10 porsyento sa kanilang klase ay maaaring bigyan ng Department of Education ng scholarship para sa apat na taon na kursong BS Education sa mga piling paaralan sa buong bansa.
Matapos makapasa sa Licensure Examination for Teachers o LET, kinakailangang magturo sa pampublikong paaralan ng limang taon ang mga iskolar kapalit ng scholarship.

Ang mga iskolar ay maaaring mag-major sa Math, Science, English, elementarya, o Early Childhood Education at kinakailangang may average na B upang manatili sa programang tinatawag na 1000 Teachers Program (1000 TP).
Layunin ng programa na paunlarin ang imahe at kalidad ng propesyon ng pagtuturo sa bansa. (CR)

You May Also Like