100 bata, nakinabang sa MPDPC feeding program

 

 

MALASAKIT NG MPDPC: Kitang-kita ang sayang idinulot ng feeding program ng Manila Police District Press Corps (MPDPC), na pinangunahan ni Mer Layson, sa 100 bata na nakatira sa Damas de Filipinas na matatagpuan sa Paco, Maynila. (Jat-Ar Ortonero)
MALASAKIT NG MPDPC: Kitang-kita ang sayang idinulot ng feeding program ng Manila Police District Press Corps (MPDPC), na pinangunahan ni Mer Layson, sa 100 bata na nakatira sa Damas de Filipinas na matatagpuan sa Paco, Maynila. (Jay-Ar Ortonero)

Ng: Tapat News Team (TMT)

 
ISANGDAANG bata na nakatira sa isang bahay-ampunan sa Maynila ang nakinabang sa feeding program ng Manila Police District Press Corps (MPDPC).
 
Pinangunahan ni Mer Layson, pangulo ng MPDPC, ang paglulunsad ng feeding program sa Damas de Filipinas sa Paco, Maynila.
 
Ayon sa Tapat News online and bi-monthly photographer na si Jar-Ar Ortonero, masayang-masaya ang mga bata sa pagkain nila ng soya milk dahil kahit sila ay naninirahan sa bahay-ampunan, mayroon pa ring nagmamahal at nagmamalasakit sa kanila.
 
Nagpapasalamat naman nang husto si Maribeth Florindo, executive director ng Damas, sa ipinakitang paglilingkod at pagmamalasakit ng MPDPC sa pangunguna ni Layson.
 
Tiniyak naman ng paminuan ng MPDPC na simula pa lamang ang naturang programa para sa mga Manilenyo.

You May Also Like