10-Taong-Gulang na Bandido, Nanguna sa 11 Sumukong ASG

 

Ni: Denz Laguipo

 

SUMUKO ang labing-isang kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa pamahalaan sa pamumuno ng isang 10-taong-gulang na lalaki sa Basilan ngayong Lunes.

Ayon sa ulat na nakarating sa pambansang himpilan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo, ang sumukong bata ay aktibo sa pakikipagbarilan sa mga sundalo sa bayan ng Tipo-Tipo.

May sugat sa likod ang bata dahil tinamaan ito ng mortar kamakailan.

Hindi binanggit ang pangalan ng bata bilang proteksyon sa kanya alinsunod sa batas.

Sabi ng AFP, sumuko ang 11 ASG kasama ang 10-taong-gulang na lalaki dahil napagtanto nilang walang mangyayari sa kanilang buhay kung palaging pakikipagbarilan sa mga sundalo ng AFP at pagtatago sa mga alagad ng batas ang gagawin nila araw-araw.

Kahit sumuko, kakasuhan pa rin sila ng kaukulang mga kasong kriminal dahil sa mga ginawa nilang labag sa batas, ayon pa rin sa AFP.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nakikipagsagupaan ang iba’t ibang elemento ng AFP sa ASG hanggang maubos ang mga bandido, sapagkat iyan ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like