10-taon-gulang na Babae, Tulak ng P10-M Shabu

 

MASAKLAP: Patunay lamang na napakalala ng operasyon ng sindikato ng iligal na droga, sapadkat ultimong 10-taong-gulang ay nagagamit nang tagapagbenta ng shabu.
LABIS NA ‘TO: Patunay lamang na napakalala ng operasyon ng sindikato ng iligal na droga sa bansa, sapagkat ultimong 10-taong-gulang ba babae ay nagagamit nang tagapagbenta ng shabu.

Ni: Denz Laguipo

 

DAPAT ang mga bata ay naglalaro, hindi nagtutulak ng iligal na droga.

Ito ang idiniin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang madakip ang isang 10-taong-gulang na babae at kasama nitong si Raihana Disalo na 23-anyos sa check point ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Saguiran, Lanao del Sur kamakalawa.

Ang halaga ng shabu na nakumpiska sa dalawa ay P10 Milyon.

Kinumpirma ng Camp  Heneral Emilio Aguinaldo ang impormasyon na galing kay 65th Infantry Battalion Commander Colonel Joselito Pastrana.

Sabi raw ni Pastrana na nahuli ng kanyang tropa ang dalawa  matapos maharang nila ang mga suspek na sakay ng Hyundai Tucson sa kanilang checkpoint sa bayan ng Saguiran.

Ipinasa nila sa PDEA ang dalawang suspek.

Kinasuhan na ang dalawa sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002, ayon sa PDEA.

Hindi ikinagulat ng PDEA ang pangyayari, sapagkat nangyayari na ito sa mga nakalipas na taon kung saan nagagamit na sa pagbebentaa ng shabu ang mga menor de edad.

Ang nakagugulat lang ay 10-taong-gulang ang kasama ng 23-taong-gulang na si Disalo sa paghahatid ng P10 Milyong halaga ng shabu sa kliyente ng sindikatong nasa likod ng iligal na negosyo.

Ang pagkakadakip ng bata dahil sa iligal na droga ay malinaw na ebidensyang napakalala ng operasyon ng iligal na droga sa Pilipinas.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like