$10-M Pondo ng American Chamber of Commerce para sa Pilipinas

 

Ni: Marites Toledo

 

UMABOT sa $10 Milyon ang nalikom na pondo ng American Chamber of Commerce (AmCham) upang patuloy nitong ilunsad  ang mga proyekto nito sa maraming pamayanan sa Pilipinas.

Katumbas ng P480 Milyon ang nasabing halagang itatabi ng AmCham.

Ang nasabing mga proyekto ay may kinalaman sa Corporate Social Responsilibity (CSR) ng mga negosyanteng Amerikano na kabilang sa AmCham.

Ang pagtutuunan ng pansin ng AmCham ay ang edukasyon, ang pagresolba sa kahirapan at kagutuman, kababaihan, pagbibigay kapangyarihan kabataan, kapaligiran, proteksyon sa klima, pagbabawas sa hindi pantay na pamumuhay, pagpapaunlad ng mga pamayanan, kapakanan at kagalingan ng mga persons with disabilities, kapakanan at kagalingan ng mga may edad, at iba pang mga pagsasanay at pagpapaunlad para sa iba’t ibang sektor ng bansa.

Desidido ang AmCham na gawin ang lahat nang ito, sa kabila ng walang tigil na pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tingin nitong panlalamang ng Estados Unidos sa Pilipinas sa matagal na panahon.

Madalas na binabatikos ni Duterte ang Amerika dahil sa pandidikta at pakikialam nito sa sa desisyon at aksyon ng pamahalaan.

Ngunit, sabi ni AmCham  Executive Director Ebb Hinchliffe “I was surprised and touched on the interest of our members to greatly contribute for the welfare of the Filipino people.”

Para kay Hinchliffe ang nangyaring $10 Milyon ay nangangahulugang “large number American businesses in the country positively respond to the social and development needs of the society.”

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like