10 Alkalde Protektor ng Sindikato ng Droga

 

Ni: Marites Badilla

 

SAMPUNG alkalde ang tukoy nang protektor ng mga sindikato ng droga, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Undersecretary for Operations John Castriciones, kasalukuyang pinahihigpit ng DILG ang mga ebidensiya laban sa sampu bago kasuhan sa korte.

Hindi pinangalanan ni Castriciones ang 10 upang hindi ‘masunog’ ang pagkalap ng mga ebidensiya.

Maliban sa kasong kriminal, isasampa rin ang administratibong kaso laban sa 10 alkalde at tatanggalan sila ng kapangyarihan at kontrol sa pulis na sumasakop sa lungsod, o munisipalidad na kanilang pinamamahalaan, susog pa ng opisyal.

Kukumpiskahin din ang kanilang mga baril, patuloy ng opisyal.

Sa kasalukuyan, sina Cebu City Mayor Tomas Osmeña, Daanbantayan (Cebu) Mayor Vicente Loot, at Ozamis City Mayor Reynaldo Porojinog ang tinanggalan ng DILG ng kapangyarihan at kontrol nila sa pulis.

Matatandaang idiniin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mayroong mga alklade, gobernador, at kongresista na pawang mga sangkot sa negosyo ng ipinagbabawal na gamot.

Kamakailan, lumabas ang pangalan ng dating gobernador ng Pangasinan at ngayon ay Pangasinan District 5 Rep. Amado Espino Jr. sa drug matrix na isinapubliko ni Duterte.

Sa naturang matrix, tinukoy ding sangkot sa jueteng, quarrying, at black sand operation si Espino.

Tahasang itinanggi ni Espino ang paratang.

Ang pumalit kay Espino saa pagkagobernador ng lalawigan ay ang kanyang anak na si Amado “Pogi” Espino III.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like