1 Superintendent, 21 Pang Pulis Masisibak dahil sa Droga

 

Ni: Denz Laguipo

 

ISANG superintendent at 21 pulis ang inaasahang masisibak mula sa Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasangkot nila sa negosyong iligal na droga ni Kerwin Espinosa sa Eastern Visayas.

Ang kaso ng 22 ay isasampa sa National Police Commission (Napolcom) upang magsagawa ito ng masusing imbestigasyon.

Kung mapapatunayang totoo ang kaso laban sa kanila batay sa ebidensyang iprinisinta sa Napolcom ay walang dudang sila ay matatanggal sa PNP.

Ang mga makakasuhan sa Napolcom ay sina:

  1. Neil Montano
  2. Chief Insp. Jonathan Camacho
  3. Chief Insp. Martin Pardinas
  4. Chief Insp. Wilfredo Abordo
  5. Senior Insp. Bernchie Magamay
  6. Senior Insp. Eufracio Javinez
  7. Senior Insp. Rio Tan
  8. Senior Insp. Edwin Oloan Jr.
  9. SPO 3 Edgardo Bituin
  10. SPO 1 Victor Plaza
  11. SPO 1 Keneth Valley
  12. SPO 1 Romeo Blanco
  13. SPO 1 Frederick Cabaltuan
  14. PO 2 Jay Quilantang
  15. PO 2 Marvin Prac
  16. PO 2 Wenceslao Lumakin
  17. PO 2 Renato Mekitpikit
  18. PO 2 Romeo Torres
  19. PO 3 Francisco Oliva
  20. PO 3 Roberto Arafol
  21. PO3 Edwin Jao
  22. PO 1 Ronilo Felizarta

 

Ang 24-taong-gulang na si Espinosa ay matagal nang pinaghahanap ng pulisya.

Siya ang itinuturo ng PNP na numero unong drug lord sa Eastern Visayas.

Ang tatay niyang si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa ay ikinulong na kahapon dahil kaso ng droga at posesyon ng baril.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like