1 Pulis Patay, 100 Adik Timbog sa ‘Shabu Tiangge’ sa QC

 

GALING DAVAO CITY: Si Supt. Lito Patay ay galing Davao City na inilipat sa Quezon City upang maging hepe ng  Quezon City Police District Office 9QCPD) ng Police Station 6 na nakasasakop sa Barangay Payatas A at B.
 GALING DAVAO CITY: Si Supt. Lito Patay ay galing Davao City na inilipat sa Quezon City upang maging hepe ng Quezon City Police District Office (QCPD) ng Police Station 6 na nakasasakop sa Barangay Payatas A at B.

Ni: Jan Sinocruz

 

GRABE ang Barangay Payatas sa Quezon City, dahil kadadamot pa lang ng 44 katao, kabilang ang apat na drug dealer nitong Lunes, 100 katao naman ang dinakip ng mga alagad ng batas ngayong Miyekules (Oktubre 5) sa isang ‘shabu tiangge’ sa nasabing barangay sa Quezon City.

Ang masama pa nito, may kasamang mga minor de edad sa nahuling 100 adik, nabatid ng TapatNews.com mula sa Quezon City Police District (QCPD).

Sa hiwalay na operasyon ng QCPD – Police Station 6 sa Barangay Payatas din ay namatay si PO1 Ericsander Gray at kasamahan nito na nakilala lamang sa pangalang ‘Joseph’ nang makipagbarilan sila sa mga tauhan ni Supt. Lito Patay, hepe ng PS – 6.

Base sa ulat ni Patay kay Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, tumatayong pinuno ng QCPD, namatay sina Gray at Joseph dakong 10:30 ng umaga sa isinagawang buy-bust operation sa Bicol Extension sa Barangay Payatas B.

Ayon kay Patay, posibleng nakilala ni Gray ang mga dati nitong kasamahan sa PS – 6, kaya nakipagbarilan sila ni Joseph na nauwi sa pagkamatay nilang dalawa.

Si Gray ay dating nakadestino sa Station Anti-Illegal Drug (SAID) ng PS – 6 at inilipat sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nang magkaasunto tungkol sa iligal na droga.

Narekober sa dalawa ang kalibre 45, isang 9 mm, mga bala, shabu paraphernalia, at hindi pa batid na halaga ng shabu.

Ang mga ito ay patunay na sangkot sa iligal na droga sina Gray at Joseph.

Idiniin ng mga taga-PS – 6, sa pangunguna ni Supt. Patay, na hindi sila titigil hangga’t hindi nauubos ang mga tulak at adik sa kanilang nasasakupan.

Ang Barangay Payatas A at Payatas B ay lumilitaw na notoryus pagdating sa bentahan at paggamit ng ipinagbabawal na gamot batay na rin sa rami ng napapatay ditong drug pusher at dami ng nahuhuling adik.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like