1 Babae, 3 Lalaki Patay sa Barilan sa Caloocan

 

Ni: Denz Laguipo

 

ISANG babae at tatlong lalaki ang namatay sa dalawang magkahiwalay na barilang naganap sa Lungsod ng Caloocan ngayong Linggo ng umaga.

Ang masama, dalawa pa ang tinamaan ng bala kung saan ang isa dito ay 2-taong-gulang na lalaki.

Dalawa sa namatay sa unang insidente ng barilan ay nakilalang sina Noel Kilantang at Ma. Teresa.

Tinamaan sila ng maraming bala sa katawan na agad nilang ikinamatay, ayon sa mga imbestigador.

Ang dalawa sa ikalawang insidente ay hindi pa natukoy ng mga pulis ang kanilang pagkakalilanlan.

Kaagad ding namatay ang dalawa, banggit ng mga pulis-Caloocan.

Ang dalawang sugatan ay sina Jeffrey Cachero at pamangkin nitong 2-taong-gulang na si Sonson.

Ligtas na ang dalawa sa kapahamakan.

Ayon sa ulat ng pulisya, sina ay nabaril at namatay nang mabaril sila habang nasa loob ng bahay ng isang Joan Cachero na matatagpuan sa kanto ng Kalye Sto. Nino at Kalye Rajah Sulayman sa Barangay 178.

Walong basyo ng baril na hindi pa alam ang kalibre ang nakuha ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen.

Kailangan munang ipirmes ng mga imbestigador ang buong kuwento ng insidente upang matukoy ang salarin, o mga salarin, na  hindi agad nila magawa, sapagkat ang posibleng nag-iisang nakaaalam sa pinag-ugatan ng krimen ay nagulantang pa sa naganap.

Ngunit, ang inisyal na tingin ng pulisya ng lungsod ay natukoy na ang mga salarin makaraang mapatay ang dalawang lalaking pinaniniwalaang suspek sa naganap na krimen.

Batay sa ulat, namatay ang dalawang lalaking naka-motorsiklo nang makipagbarilan sa mga pulis matapos silang sitahin ng mga ito ilang minuto matapos ang barilang naganap sa bahay ng mga Cachero.

Sabi ng mga imbestigador na kamukha nila  ang mga taong lumabas sa bahay ng mga Cachero matapos ang barilang naganap dito.

Gayunpaman, iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente upang tuluyan nang malaman kung sinu-sino ang mga suspek sa unang insidente ng barilan sa lungsod.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like