$1.37 Milyong Lamp Waste Facility 3-Taon nang Nakatiwangwang sa Taguig

 

 

Ni: Marites Badilla
 
IPINARATING ng EcoWaste Coalition sa kalihim ng Department of Energy (DOE) na may tatlong-taon nang nakatiwangwang ang $1.37 Milyong Lamp Waste Management Facility (LWMF) sa Brgy. Bagumbayan Taguig City.
 
Ang LWMF na mayroong mercury recovery system ay binili ng pamahalaan sa MRT System International mula sa Sweden.
 
Umabot sa $1.37 Milyon ang halaga ng nasabing pasilidad, kasama na ang binayarang buwis.
 
Ang $1.37 Milyon ay galing sa pera ng pamahalan na nagmula sa buwis na kanilang ibinabayadd sa pamahalaan bawat taon.
 
Mula nang bilhin noong 2013, hindi pa nagagamit ang LWMF.
 
Ibig sabihin, nakatiwangwang pa rin hanggang ngayon ang nasabing pasilidad, kaya hindi pa ito napakikinabangan.
 
Nitong Lunes, nagpadala ng sulat ang EcoWaste Coalition kay Energy Sec. Alfredo Cusi kung saan tahasang himihimok ng nasabing samahan ang kalihim upang gamitin na ang $1.37 Milyong LWMF para hindi masayang ang perang ginamit sa naturang proyekto.
 
Layunin ng proyekto na magkaroon ng ligtas na pagrecycle ng fluorescent lamp upang hindi kumalat at makaapekto sa kalusugan ng tao ang pagtatapon ng naturang uri ng ilaw.  
 
Ang fluorescent lamp ay mayroong laman na toxic mercury na delikado sa kalusugan ng tao, lalo na sa mga bata.
 
 
Ang LWMF ay bahagi ng DoE-led Philippine Energy Efficiency project na tinustusan ng utang mula sa Asian Development Bank (ADB).
 
“We hope that your office is one with us in recognizing the urgent need for the government to operationalize the LWMF and implement a practical system for the safe recycling of lamp waste to minimize mercury pollution due to the improper disposal of fluorescent lamps at the end of their useful life,” pahayag ni  Noli Abinales, pangulo ng EcoWaste Coalition sa kanyang pormal na liham kay Cusi. 
 
Sana magkaroon na ng kuwalipikadong tagapamahala ang LMWF upang sa pinakamabilis na panahon ay magamit na ito.

You May Also Like